Kinumpirma kahapon, Linggo, Mayo Uno 2016, ng panig pulisya ng Pilipinas ang pagkapalaya sa sampung tripolante ng Indonesya, na dinakip noong nagdaang Marso ng Abu Sayyaf Group sa karagatan sa pagitan ng Indonesya at Pilipinas.
Ayon sa ulat, inihatid kahapon ng tanghali ang naturang mga tripolante sa tahanan ng gobernador ng lalawigang Sulu, at matatag ang kanilang kondisyong pangkatawan.
Hindi isiniwalat ng panig Pilipino kung paanong napalaya ang naturang mga tripolante. Pero, may ulat na nagsasabing sila ay napalaya, pagkaraang nagbayad ng pantubos ang may-ari ng bapor nila.
Salin: Liu Kai