|
||||||||
|
||
WALANG dapat ikabahala ang mga mamamayan kung kuryente ang pag-uusapan sa darating na halalan sa Lunes, ika-siyam ng Mayo. Ito ang sinabi ni Director Thelma Ejercito ng Power Bureau ng Department of Energy sa idinaos na Tapatan sa Arisrtocrat kaninang umaga.
Ipinaliwanag niyang may pagtutulungan na ang kanyang kagawaran, ang National Power Corporation, National Grid Corporation of the Philippines, Transco, National Electrification Administration at maging ang Meralco. Bagama't mayroong mga namaka-nakang kakulangan ng kuryente partikuar sa Mindanao, sinabi ni Director Ejercito na nagtitipid ng tubig ang National Irrigation Administration upang magamit ng hydropower plants ang tubig sa darating na halalan.
Niliwanag din niyang mayroong sapat na uling na tatagal ng 20 araw matapos magkaroon ng problema sa pagdadala ng uling mula sa Indonesia matapos harangin ng mga armado ang mga barkong maydalang uling mula sa Indonesia kamakailan. Bagama't pinalaya na ng mga armado ang sampung magdaragat na Indones, may pangamba pa rin ang ilan na mahirapan sa (suply ng) uling na nagpapatakbo ng mga power plant sa Pilipinas.
Kung magpapatuloy ang panghaharang ng mga armadong pirata sa pagitan ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia, maaaring makabili ng uling ang Pilipinas sa ibang mga bansa, bagama't may kamahalan ang halaga nito kaysa binibili sa Indonesia.
Sa panig ng MERALCO, sinabi naman ni Assistant Vice President Jose Zaldarriaga at Engr. Ferdinand Geluz, vice chairman ng Election Task Force, mayroon silang mga kawaning maglilingkod sa kanilang nasasakupan mula sa Metro Manila, Laguna, bahagi ng Rizal, Batangas, Quezon at Bulacan.
Sinabi ni G. Zaldarriaga na may paala-ala sila sa mga maglilingkod sa mga presinto sa darating na halalan na huwag magdala ng kung anu-anong kagamitan sa kanilang mga paaralan sapagkat may posibilidad na magdala ng kung ano-anong appliances sa silid-aralan sanhi ng posibilidad na magkaroon ng short circuit na magiging simula ng sunog.
Mayroon din silang hotline na inilaan sa mga mangangailangan ng dagliang tulong.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |