|
||||||||
|
||
SA likod ng pagdududa ng ilang sektor sa kakayahang magkaroon ng maayos na halalan sa Lunes, umaasan ang mga pinuno ng SMARTMATIC na magagampan nila ang kabnilang tungkulin bilang technology provider ng Commission on Elections.
Ito ang paninindigan nina Elie Moreno, general manager sa Pilipinas at Atty. Karen Jimeno, taga-pagsalita ng Smartmatic sa Pilipinas sa idinaos na pagpupulong ng Foreign Correspondents Association of the Philippines sa Manila Diamond Hotel kaninang hapon.
Ani G. Moreno, sapat na ang kanilang paghahanda para sa halalang ito na magkakaroon ng 92,509 na vote counting machines na siya ring bilang ng clustered precincts sa buong bansa.
Ipinagmalaki ni G. Moreno na umabot na sa 2.3 bilyong boto ang kanilang nabilang sa higit sa 700,000 mga presinto sa buong daigdig. Nakagawa na rin ang kanilang kumpanya ng higit sa 150,000 mga makina at nakapagdulot ng pansamantalang hanapbuhay sa may 220,000 katao.
Nakagawa na rin ng kanilang kumpanya ng higit sa 153,000 biometric voter identity verification devices sa daigdig at nakapaglingkod na rin sa higit sa 3,500 national at regional elections.
Ipinaliwanag naman ni Atty. Jimeno na mayroong 44,872 mga kandidato sa buong bansa at mayroong 55,736,801 rehistradong mga botante at nakapaglimbag na ng mga balota ayon sa itinatadhana ng batas. Ang mga balotang ito ang daraan sa may 92,509 na vote counting machines sa may 1,739 na canvassing centers na sasaklaw sa may 36,805 polling centers.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |