|
||||||||
|
||
HIGIT na nakararami ang mga kabataang botante sa darating na halalan sa Mayo a-nueve.
Sinabi ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista sa Foreign Correspondents Association of the Philippines na umabot na sa 11,206,615 ang mga botanteng mula 18 hanggang 29 na taong gulang.
Umabot na sa 3,043,411 ang mga botante mula sa edad na 18 hanggang 19 at may 7,983,167 naman ang mula sa 20 hanggang 24 na taong gulang at mayroong 7,370,037 naman ang mga botante mula 25 hanggang 29.
Ani Chairman Bautista, ang mga botanteng ito ang maituturing na millenials at nagpapahalaga sa social media.
Samantala, ang pinakamalaking rehiyon sa bansa ay ang Southern Tagalog region na kilala sa pangalang CALABARZON sapagkat mayroon itong 7.6 milyong botante. Ang CALABARZON ang pinagmumulan ng 14% ng mga botante sa buong bansa.
Pangalawa naman ang national Capital Region na mayroong 6.2 milyong botante. Nagmumula sa National Capital Region ang 12% ng mga botante at pangatlo ang Central Luzon na nagkaroon ng 6 milyong botante na nagtataglay ng 11%.
Ang pinakamaliit na rehiyon sa bansa ay ang Cordillera Administrative Region na mayroong 906,162 botante at 2% ng mga botante sa buong bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |