|
||||||||
|
||
NATAPOS kahapon ang matagumpay na pagdalaw ni Foreign Secretary Jose Rene D. Almendras sa Yogyakarta, Indonesia upang makausap ang mga ministro NG Ugnayang Panglabas ng Indonesia at Malaysia upang matiyak ang seguridad ng kalakal na isinasakay sa mga barkong nagyayaot sa karagatan.
Nagtungo si Kalihim Almendras sa Indonesia sa paanyaya ng pamahalaan na naging punong-abala sa pulong na dinaluhan din ng Malaysia upang matukoy ang mga kailangang gawin matapos ang serve ng pamimirata at terorismo sa rehiyon, partikular sa karagatan sa pagitan ng tatlong bansa.
Nakaharap niya si Pangulong Joko Widodo at Foreign Minister Retno L. P. Marsudi. Binigyang-diin ni Kalihim Almendras ang katapatan ng Pilipinas sa pangako nitong kampanya laban sa mga lumalabag sa batas.
Handa ang Pilipinas na magpatupad ng mga programang magtatanggol sa mga mamamayan at maging sa kabuhayan na nakasalalay sa malayang pagkakalakal sa bahaging Ito ng rehiyon.
Naglabas ang tatlong pamahalaan ng "Joint Declaration on Immediate Measures to Address Security Issues in the Maritime Areas of Common Concern among Indonesia, Malaysia and the Philippines." Tiniyak din ng kanyang Indonesian counterpart na higit na gaganda ang shipping operations sa pagitan ng dalawang bansa.
Magugunitang sa Indonesia nagmumula ang 96% ng uling na nagpapatakbo sa coal-fired power plants sa Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |