|
||||||||
|
||
Sinabi ni Ouyang na ang nukleo ng isyu ng SCS ay isyu ng teritoryo na dulot ng iligal na pagsakop ng mga bansa na gaya ng Pilipinas sa mga isla at reef ng Tsina at isyu ng demarkasyon ng hanggahan sa dagat na dulot ng pagtatatag at pag-unlad ng bagong sistema ng batas na pandagat.
Ayon sa kanya, ang kapasiyahan at paninindigang Tsino ay batay sa sumusunod na tatlong dahilan:
Una, narating na ng Tsina at Pilipinas ang mga kasunduan para lutasin ang mga hidwaan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng bilateral na talastasan.
Ikalawa, itinakda ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) na ang mga hidwaan ay dapat lutasin ng mga dirakteng kasangkot na bansa sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian.
Ikatlo, ang UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ay walang kinalaman sa isyu ng teritoryo at soberanya, at noong 2006, isinapubliko ng Tsina ang isang pahayag batay sa tadhana ng UNCLOS para hindi tanggapin ang anumang arbitrasyon hinggil sa demarkasyon ng hanggahan sa dagat.
Aniya pa, ang hindi pagtanggap at hindi paglahok sa pandaigdigang arbitrasyon ay angkop sa tadhana ng pandaigdigang batas.
Bukod dito, sinabi pa ni Ouyang na palagiang iginigiit ng Tsina na lutasin ang mga hidwaang panghanggahan sa mga karatig na bansa sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian, sa pundasyon ng katotohanang historikal at mga pandaigdigang batas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |