Kinumpirma nitong Linggo, Mayo 8, 2016 ng Awtoridad na Pandagat ng Malaysia na lumubog ang barkong nawala noong Mayo 2 sa karagatang malapit sa Sabah, Malaysia. Sa kasalukuyan, patuloy ang paghahanap at pagliligtas, pero, wala pang anumang resulta.
Ayon naman sa organong diplomatiko ng Tsina sa Sabah, ang nasabing barko ay may lulang 4 katao, kabilang ang isang taga-Hong Kong, na nagpapatakbo ng isang holiday hotel sa lokalidad. Ang tatlong iba pa ay kinabibilangan ng isang taga-Sabah, at dalawang pasahero mula sa Espanya, dagdag ng ulat.