Bumisita kahapon, Lunes, ika-9 ng Mayo 2016, sa lalawigang Yunnan sa timog kanlurang Tsina, ang delegasyong panturismo, na binubuo ng mga kinatawan mula sa mga departamentong panturismo, paliparan, hotel, at travel agency, mula sa Samui Island, Pattaya, Bangkok, at iba pang lugar ng Thailand.
Layunin ng biyaheng ito na makipagpalitan sa mga lokal na travel agency hinggil sa paggagalugad ng tourist resource saYunnan, at magsagawa ng mga promosyon sa lalawigang ito. Ito ang pinakamalaking delegasyong panturismo na nakabisita sa Yunnan.
Salin: Liu Kai