|
||||||||
|
||
Kinatagpo kahapon, Lunes, ika-9 ng Mayo 2016, sa Jakarta, si Yang Jiechi, dumadalaw na Kasangguni ng Estado ng Tsina, ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesya.
Iniabot ni Yang kay Widodo ang mensahe ni Pangulong Xi Jinping. Ipinahayag ni Xi ang pagkatuwa sa mga natamong progreso ng kooperasyon ng Tsina at Indonesya, sa daambakal, kapasidad na produktibo, pananalapi, at iba pang aspekto. Sinabi rin ni Xi na, bilang komprehensibo at estratehikong partner, patuloy na kakatigan ng Tsina ang pagsisikap ng Indonesya, para sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan.
Ipinahayag naman ni Widodo ang pananabik sa pagpunta sa Hangzhou sa darating na Setyembre ng taong ito, para lumahok sa G20 Summit at makipagtagpo kay Pangulong Xi. Sinabi rin niyang palalakasin ng Indonesya, kasama ng Tsina, ang pag-uugnayan ng kani-kanilang estratehiyang pangkaunlaran, at pasusulungin ang kooperasyon sa iba't ibang aspekto.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |