Nakipagtagpo ngayong araw, Martes, ika-10 ng Mayo 2016, sa Kuala Lumpur, si Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia, kay Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina.
Ipinahayag ni Yang ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Malaysia, na ipatupad ang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa hinggil sa pagpapalalim ng bilateral na kooperasyon, pahigpitin ang pagpapalagayan sa mataas na antas, palakasin ang pag-uugnayan ng mga estratehiyang pangkaunlaran ng dalawang bansa, at dagdagan ang pagpapalitan ng kanilang mga mamamayan.
Ipinahayag naman ni Razak na nakahanda ang Malaysia, kasama ng Tsina, na patuloy na hanapin ang pagkakataon ng kooperasyon, at palakasin ang kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, pamumuhunan, pananalapi, at turismo.
Salin: Liu Kai