Sinabi ngayong araw, Martes, ika-10 ng Mayo 2016, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nang araw ring iyon, ilegal na pumasok ang USS Lawrence destroyer ng Amerika sa loob ng 12 nautical miles ng Yongshu Reef ng Tsina sa South China Sea. Ani Lu, alinsunod sa batas, isinagawa ng may kinalamang departamento ang pagmomonitor, pagsunod, at pagbabala sa naturang bapor na Amerikano.
Dagdag ni Lu, ang nasabing aksyon ng panig Amerikano ay nagbanta sa soberanya at seguridad ng Tsina, nagsapanganib sa kaligtasa ng mga tauhan at pasilidad sa nasabing reef, at nakapinsala sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito. Ito aniya ay buong tatag na tinututulan ng Tsina.
Salin: Liu Kai