Ayon sa ulat kahapon, Biyernes, ika-13 ng Mayo 2016, ng Konsulada Heneral ng Tsina sa Surabaya, Indonesya, pinalaya kamakailan ng panig militar ng Indonesya ang isang bapor pangkalakal ng Singapore, na may lulang 11 tripolanteng Tsino.
Ayon sa ulat, ang naturang bapor pangkalakal ay dinukot ng 9 na piratang Indones sa karagatang malapit sa Kalimantan Island ng Indonesya. Pinalaya ng hukbong pandagat ng Indonesya ang bapor na ito, at dinakip ang mga pirata. Pinalaya rin ang 9 pang tripolante at 1 pasahero sa bapor.
Salin: Liu Kai