Washington D.C.--Idinaos nitong Huwebes, Mayo 19, 2016, ng Tsina at Amerika ang Estratehikong Diyalogong Panseguridad. Nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa mga may kinalamang isyu na kapuwa nila pinahahalagahan.
Sinang-ayunan din ng dalawang bansa na ipagpatuloy ang kanilang pag-uugnayan at pagpapalitan sa ilalim ng mekanismo ng nasabing diyalogo. Layon nitong pasulungin ang pagtitiwalaan at pagtutulungan at tumpak na hawakan ang mga pagkakaiba para matiyak ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Nangulo sa nabanggit na diyalogo sina Zhang Yesui, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina at Antony Blinken, Pangalawang Kalihim ng Estado ng Amerika.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio