Sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Kazakhstan, isinalaysay kahapon, ika-21 ng Mayo 2016, sa local media ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, ang mga natamong bunga ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road o "Belt and Road" Initiative.
Ayon kay Wang, walong aspekto ang mga bunga. Una, lumahok sa initiative ang mahigit 70 bansa at organisasyong pandaigdig. Ikalawa, nagsimulang tumakbo ang mga mekanismong pinansyal sa ilalim ng initiative na gaya ng Asian Infrastructure Investment Bank at Silk Road Fund. Ikatlo, sinimulan ang mga proyekto ng connectivity. Ikaapat, mabilis na pinasusulong ang kooperasyon sa kapasidad na produktibo. Ikalima, naitatatag ang mga bilateral at multilateral na economic corridor. Ikaanim, maalwang tumatakbo ang mga daambakal ng paghahatid ng paninda sa pagitan ng Asya at Europa. Ikapito, mabilis na lumaki ang kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road." At ikawalo, mas humihigpit din ang pagpapalitan ng mga mamamayan.
Salin: Liu Kai