|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat, ang masaganang kabuhayan at malaking konsumo ay nagpasulong sa kaunlaran ng Asya-Pasipiko, pero nagdulot din ito ng polusyon sa pamumuhay at nagbunsod ng malaking paggugol ng enerhiya. Ito anito ay malaking hamon sa kapaligiran.
Ayon pa rin sa ulat, sa Timog-silangang Asya, ang urbanisasyon at pag-unlad ng agrikultura ay nagdudulot ng malaking epekto sa likas na yaman. Ang polusyon sa yamang tubig ay problema sa buong rehiyong Asya-Pasipiko.
Tinukoy din ng ulat, na hindi dapat pawalang-bahala ang epektong dulot ng madalas na likas na kalamidad sa Asya-Pasipiko. Anito, hanggang sa taong 2070, ang baha ay magiging pinakamalaking banta sa rehiyong ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |