Idaraos bukas, ika-23 ng Mayo 2016, sa Nairobi, Kenya, ang Ika-2 Pulong ng United Nations (UN) hinggil sa Kapaligiran. Lalahok sa pulong ang mga kinatawan sa mataas na antas mula sa mahigit 170 bansa ng daigdig.
Kaugnay ng pulong na ito, sinabi kahapon ni Liu Ning, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN Environment Programme, na tatalakayin sa pulong ang hinggil sa pagpapatupad ng Paris Agreement hinggil sa pagbabago ng klima, paglaban sa polusyong kemikal, at iba pang pandaigdig na patakaran hinggil sa pagsasaayos ng kapaligiran. Ani Liu, ang pulong na ito ay makakatulong sa sustenableng pag-unlad ng buong daigdig.
Salin: Liu Kai