Kaugnay ng South China Sea arbitration, sinabi kamakailan ni Surakiart Sathirathai, dating Pangalawang Punong Ministro ng Thailand, at Puno ng Asian Peace and Reconciliation Council (APRC), na angkop sa pandaigdig na kaugalian ang hindi pagtanggap ng soberanong bansa sa pandaigdig na arbitrasyon, at dapat igalang ang ganitong pagpili.
Sinabi rin ni Sathirathai, na noong 2014, iniharap ng APRC ang ideyang "Functional Cooperation sa South China Sea," at positibo rito ang mga bansang Timog-silangang Asyano. Aniya, ang nukleo ng ideyang ito ay itabi ang mga hidwaan, at magtulungan sa mga aspekto kung saan puwedeng isagawa ang kooperasyon, na gaya ng siyentipikong pananaliksik, pangangasiwa sa pangingisda, at paggagalugad sa langis at natural gas. Ito aniya ay para pasulungin ang kapayapaan, kooperasyon, at pagkakaibigan sa South China Sea.
Dagdag pa ni Sathirathai, ang susi sa paglutas ng isyu ng South China Sea ay pagsasagawa ng mga may kinalamang panig ng konstruktibong diyalogo at pagsasanggunian, para pahupain ang tensyon at hanapin ang posibilidad sa kooperasyon. Aniya, ang paraang ito lamang ay makakabuti sa iba't ibang panig, at kapayapaan at katatagan ng buong rehiyong ito.
Salin: Liu Kai