Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Joint Senate-House Panel, tatapusin ang canvass

(GMT+08:00) 2016-05-28 10:29:54       CRI

MGA DOKUMENTO MULA SA ANTIQUE, SINUSURI. Pinag-aaralan nina Senador Aquilino Pimentel III (ika-lima mula sa kanan) pinuno ng Senate Panel sa joint congressional committee na nagbibilang ng boto para sa 2016 Presidential at Vice Presidential elections kasama si Senador Tito Sotto (pang-apat mula sa kanan) ang mga dokumento mula sa Antique. Nasuspinde ang pagbibilang kahapon dahil sa 'di pagkakatugma ng nilalaman ng electronic at manually-transmitted Certificates of Canvass. (PRIB/Albert Calvelo)

LAGAY NG BALLOT BOX, INIUULAT. Masusing sinuri ni Senate Secretary Oscar G. Yabes (pangatlo mula sa kaliwa) ang ballot box na naglalaman ng Certificates of Canvass at Statement of Votes mula Antique sa ikatlong araw ng bilangan para sa 2016 presidential at vice presidential elections. Tuloy na ang pagbibilang ngayong hapon. (PRIB/Albert Calvelo)

SUSUBUKANG matapos ng Joint Senate-House panel na bumubuo ng National Board of Canvassers ang nalalabing 53 Certificates of Canvass para sa presidential at vice presidential elections.

Sa isang pahayag na inilabas ngayon, sinabi ng House of Representatives na sa pagtatapos ng canvass proceedings kahapon, binanggit ni Senador Aquilino "Koko" Pimentel III ang posibilidad na matapos ang pagbibilang ngayon bilang tugon sa tanong ni Senador Sergio Osmena III kung matatapos ang bilangan ngayon.

Sinabi ni Senador Pimentel na pagsisikapan nilang matapos na ang bilangan. Two-thirds na umano ng 166 Certificates of Canvass ang nabilang.

Ipinaliwanag pa ng senador mula sa Mindanao na nakapagbilang na sila ng 68 COCs kahapon at 45 noong Miyerkoles. Kasama na rito ang absentee voting mula sa ibang bansa.

Kahit matapos ang bilangan ngayon, magaganap ang proklamasyon matapos maisumite ang report sa joint canvassing session at maipasa ang isang resolution of proclamation.

Pinasalamantan ni SenadoR Pimentel ang Senate contingent na kinabibilangan nina Senador Sonny Angara, Teofisto Guingona III, Senador Osmena, Tito Sotto at Juan Ponce Enrile.

Kasama sa House contingent sina Majority Leader Neptali Gonzales III at Congressmen Elpidio Barzaga, Rufus Rodriguez, Reynaldo Umali, Ibarra Gutierrez III at Federico Quimbo.

Hindi muna itinuloy ang bilangan para sa mga COC ng Iloilo City, Antique, Canada at Kuwait dahil sa ilang problema sa datos sa electronically-transmitted at physically-delivered COCs at ang ilang election documents ay wala sa ballot boxes.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>