|
||||||||
|
||
IBINALITA ng Bangko Sentral ng Pilipinas na mas maganda ang pananaw ng mga mangangalakal sa takbo ng ekonomiya sa ikalawang kwarter ng taong 2016 at umabot sa 48.7% mula sa 41.9% noong unang tatlong buwan ng 2016. Mas maraming mga kalakal ang umaasa sa economic prospects ng bansa sa ikalawang tatlong buwan ng taon. Ito ay nababatid sa mas maraming pananaw ng mga mangangalakal sa nagaganap sa ekonomiya.
Natutuwa sila sa epekto ng paggasta ng salapi na may kinalaman sa nakalipas na halalan hanggang sa araw ng eleksyon noong ika-siyam ng Mayo. Nagkaraoon din ng dagdag sa orders at mga proyekto na nauuwi sa mas mataas na produksyon, inaasahang dagdag sa pangangailangan sa tag-init tulad ng pagdagsa ng mga Filipino at banyagang turista at mga kalakal at maging mga bagong produkto. May epekto rin ang mababang inflation at matatag na interest rates.
Nananatiling mataas ang pagasa ng mga mangangalakal sa ikatlong kwarter kahit mas mababa ito kaysa nakamtan noong nakalipas na taon.
Umaasa silang magiging maganda ang inasahang potensyal ng pagmimina at manufacturing sub-sectors.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |