|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-27 ng Mayo 2016, sa Beijing, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang labis na pagbibigay atensyon ng Hapon sa isyu ng South China Sea at tensyon sa rehiyon sa G7 Summit, ay hindi makakabuti sa katatagan ng kalagayan sa karagatang ito. Ito rin aniya ay hindi angkop sa katayuan ng G7 bilang plataporma ng mga maunlad na bansa para sa pamamahala sa kabuhayan.
Nanawagan din sa G7 si Hua na batay sa obhektibo at makatarungang posisyon at atityud, sundin ang pangakong walang pinapanigan sa hidwaan sa teritoryo, itigil ang pagpapalabas ng di-responsableng pananalita, at gawin ang bagay na makakabuti sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Umaasa rin aniya si Hua, na sa kasalukuyang masalimuot na kalagayan ng kabuhayang pandaigdig, magbibigay ang G7 ng mas malaking pansin sa isyu ng kabuhayan at kaunlaran na pinaghahalagahan ng komunidad ng daigdig.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |