Lunes, ika-30 ng Mayo 2016, sa Sochi, Rusya, dumalo sina Pangalawang Premyer Zhang Gaoli ng Tsina, at Pangalawang Punong Ministro Arkaji Dvorkovich ng Rusya, sa ika-13 pulong ng Komisyon sa Kooperasyong Pang-enerhiya ng Tsina at Rusya, at ika-2 Porum ng mga Maliit at Katamtamang-laking Bahay-kalakal ng Tsina at Rusya.
Binigyan ng mataas na pagtasa ng kapwa lider ang pag-unlad ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng Tsina at Rusya. Pinuri rin nila ang kooperasyon ng dalawang bansa sa enerhiya, at kooperasyon sa pagitan ng kanilang mga maliit at katamtamang-laking bahay-kalakal.
Sinang-ayunan din nilang ibayo pang pasulungin ang naturang mga kooperasyon, para isakatuparan ang komong kaunlaran at kasaganaan ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai