Sa pakikipagtagpo nitong Martes, Mayo 31, 2016, sa Beijing kay dumadalaw na Prinsesa at Ambassador-at-Large ng Ministri ng Ugnayang Panlabas at Kalakalan Hajah Masna ng Brunei, ipinahayag ni Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina na nananatiling mainam ang bilateral na relasyon ng Tsina at Brunei. Aniya, nananatili pa ring madalas ang pagpapalitan ng dalawang panig sa mataas na antas. Walang tigil na lumalalim aniya ang pagtitiwalaang pampulitika, at koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Sinabi ni Yang, na sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko, sa taong 2016, nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Brunei, para ibayong palakasin ang kanilang tradisyonal na pagkakaibigan, palawakin ang pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan, at gumawa ng kani-kanilang ambag para sa pag-unlad at kasaganaan ng rehiyon.
Ipinahayag naman ni Prinsesa Masna na nakahanda ang Brunei, magsikap, kasama ng Tsina para ibayong pasulungin ang mapagkaibigang pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan.