Sa kanyang talumpati sa Porum ng Tsina at ASEAN hinggil sa Kooperasyon sa Kapasidad na Produktibo, na idinaos ngayong araw, Huwebes, Hunyo Dos 2016, sa Nanning, sinabi ni Du Qinglin, Tagapangulo ng China Economic and Social Council, na kailangang ibayo pang palalimin ang naturang kooperasyon ng Tsina at ASEAN.
Tinukoy ni Du, na ang pagpapalalim ng kooperasyon sa kapasidad na produktibo ay angkop sa interes sa pag-unlad ng Tsina at iba't ibang bansang ASEAN. Ani Du, mahalaga ang ilang prinsipyo sa kooperasyong ito, na gaya ng pagsasakatuparan ng mutuwal na kapakinabangan at win-win result, paggigiit sa mga tuntuning pampamilihan, at pagpapatingkad ng bentahe ng iba't ibang bansa. Dapat aniya sundin ang mga prinsipyong ito, para palalimin ang kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa kapasidad na produktibo.
Salin: Liu Kai