Ayon sa ulat ngayong araw, Huwebes, Hunyo Dos 2016, ng mga may kinalamang departamento ng pamahalaang Tsino, mula ika-6 hanggang ika-7 ng buwang ito, idaraos sa Beijing ang Ika-8 Strategic and Economic Dialogue at Ika-7 Consultation on People-to-People Exchange ng Tsina at Amerika.
Ayon pa rin sa naturang mga departamento, ang relasyong Sino-Amerikano, kooperasyon ng dalawang bansa sa kabuhayan, edukasyon, kalusugan, at iba pang aspekto, at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na gaya ng isyu ng South China Sea, ay magiging mga pangunahing paksa sa naturang mga diyalogo at pagsasanggunian.
Salin: Liu Kai