|
||||||||
|
||
Sinabi ni Sun na nakahanda ang Tsina na pahigpitin, kasama ng EU, ang kooperasyon sa paglaban sa terorismo, na gaya ng pagpapalitan ng mga karanasan at magkasamang pagsasanay hinggil sa proteksyon ng paglalayag ng mga bapor sa karagatan ng Somalia at Gulf og Aden.
Bukod dito, sinabi rin ni Sun na dapat pahigpitin ng dalawang panig ang pagtutulungan at pagkokoordinahan para mas mabisang isakatuparan ang misyong pamayapa sa Mali.
Sinabi naman ni Michail Kostarakos na umaasa ang EU na maipapadala ng Tsina ang mas maraming bapor pandigma para sa proteksyon ng paglalayag. Umaasa rin aniya ang EU na isagawa, kasama ng Tsina at mga bansang Aprikano, ang mga kooperasyon para magkasamang pasulungin ang prosesong pangkapayapaan sa Aprika.
Bukod dito, inanyayahan din niya ang pagdalaw ng mga lider ng panig militar ng Tsina sa punong himpilan ng EU.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |