Kaugnay ng arbitration hinggil sa isyu ng South China Sea na unilateral na iniharap ng Pilipinas, ipinalabas kamakailan ng All China Lawyers' Association ang isang pahayag na nagsasabing buong tatag na kinakatigan nila ang paninindigan ng pamahalaang Tsino sa isyu ng South China Sea.
Ayon sa pahayag, ang unilateral na pagharap ng Pilipinas ng arbitrasyon ay labag sa mga may kinalamang tadhana ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea na nilagdaan ng Pilipinas at Tsina at karapatan ng Tsina sa nagsasariling pagpili ng kalutasan hinggil sa alitan, batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea.