Sa pahayag na inilabas kahapon, Hunyo 8, 2016, ng pamahalaan ng Kenya, nanawagan ang bansang ito sa mga direktang kasanggot na bansa sa isyu ng South China Sea (SCS) na sundin ang mga bilateral na kasunduan at Declaration on the Conduct of the Parties in the South China Sea (DOC) para mapayapang lutasin ang mga hidwaan sa pamamagitan ng talasatasan at pagsasanggunian.
Nanawagan ang bansang ito sa komunidad ng daigdig na patingkarin ang konstruktibong papel para pangalagaan ang katatagan at kapayapaan sa rehiyon ng SCS.
Bukod dito, Ipinahayag din ng pamahalaan ng Kenya ang paggalang sa exclusion statement na inilabas ng panig Tsino batay sa Article 298 ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).