|
||||||||
|
||
Si Zhao Jianhua, Embahador Tsino sa Pilipinas.
Sinabi kagabi, Hunyo 9, 2016, sa Manila ni Zhao Jianhua, Embahador Tsino sa Pilipinas, na ang mapagkaibigang kooperasyon at pagpapalagayan ng Tsina at Pilipinas ay mayroong mahabang kasaysayan at malalimang pundasyong pansibil.
Ito rin aniya ay angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa at kanilang aktuwal na pangangailangan.
Winika ito ni Zhao sa Evening Gala bilang pagdiriwang sa ika-41 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas at ika-15 Araw ng Pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Sinabi ni Zhao na nakahanda ang kanyang bansa na ituring ang Pilipinas bilang mahalagang kabigan sa mga larangan na gaya ng "One Belt One Road" Initiative, kooperasyong panrehiyon sa kalakalan, kabuhayan at kakayahan sa pagpoprodyus, konstruksyon ng transportasyon at komunikasyon, at pagpapalitan ng kultura.
Sinabi pa ni Zhao na umaasa ang panig Tsino na magsisikap, kasama ng bagong pamahalaan ng Pilipinas, para panumbalikin ang bilateral na relasyon sa isang malusog at mabilis na landas.
Sinabi naman ni Salvador Panelo, Tagapagsalita ng bagong halal na Pangulo ng Pilipinas, na nakahanda ang bagong pamahalaan ng Pilipinas na pasulungin ang pagkakaibigan sa Tsina at isagawa ang bilateral na diyalogo.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina Enrique A. Manalo, Undersecretary ng Department of Foreign Affairs ng Pilipinas, at Imelda Marcos, dating first lady ng bansang ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |