Ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-10 ng Hunyo 2016, ng China Railway Corporation (CRC), na nagharap na ito ng reprensentasyon kaugnay ng unilateral na pagpapalabas ng XpressWest ng Amerika ng impormasyon hinggil sa pagkahinto ng kooperasyon nito kasama ng China Railway International U.S.A., Co. Ltd., sangay ng CRC, sa proyekto ng Las Vegas-Los Angeles high-speed railway.
Sinabi ng CRC na mali at di-responsable ang naturang aksyon ng XpressWest, at ito ay tinututulan ng panig Tsino. Ayon sa CRC, batay sa kasunduan ng dalawang kompanya, hindi dapat ipalabas ng isang panig ang impormasyon hinggil sa naturang proyekto, nang walang pahintulot ng ibang panig.
Salin: Liu Kai