Ipinahayag ika-12, Hunyo ng 2016 ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations sa pamamagitan ng tagapagsalita ang kondemnasyon sa pamamaril sa Orlando, Florida, Amerika.
Ipinahayag ni Ban ang taos-pusong pakikiramay sa pamilya ng mga biktima, at aniya pa, kapanalig siya ng mga mamamayan ng Amerika.
Naganap ika-12 Hunyo ang pamamaril sa "Pulse Nightclub" sa Orlando, at di-kukulangin sa 50 ang namatay, samantalang 53 ang sugatan. Ipinahayag ni Pangulong Barack Obama ng Amerika na ito ay aksyon ng terorismo at pagkapoot.
salin:wle