|
||||||||
|
||
MAHALAGA ANG PAG-UUSAP NG GPH AT NDF . Ito ang sinabi ni Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez sa isang press conference ng Bagong Alyansang Makabayan kanina sa Diocese of Cubao sa Quezon City. Kailangan ding mapalaya ang mga bilanggong politikal, dagdag pa ni Bp. Iniguez. (BAYAN PHOTO)
MGA PROGRESIBO, NAGSAMA-SAMA. Makikita ang mga namumuno sa iba't ibang progresibong samahang naghahangad ng kapayapaan sa bansa. Na sa dulong kanan si BAYAN Chairman Renato Reyes, Alliance of Concerned Teachers Congressman Antonio L. Tinio at iba pang nagbubunyi sa paglagda ng magkabilang panig sa kasunduang ipagpapatuloy ang peace talks ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines sa Hulyo. (BAYAN Photo)
BINATI ng Bagong Alyansang Makabayan ang peace panel ng National Democratic Front of the Philippines at ang peace panel ng papasok na Administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagaayos ng mga kailangan sa pagpapatuloy ng formal peace talks sa darating na Hulyo.
Sa isang pahayag sa isang press conference kaninang umaga sa Quezon City, sinabi ng BAYAN na sa paglagda ng magkabilang-panig ang nagbibigay naman ng daan tungo sa matagumpay na peace negotiations na naudlot sa panahon ni outgoing President Benigno Simeon C. Aquino III.
Umaasa ang BAYAN na mapapalaya ang mga bilanggong politikal, pagpapatotoo sa mga nilagdaang kasunduan at pag-uusap hinggil sa mga isyung may kinalaman sa pagbabago sa larangan ng lipunan at ekonomiya.
Matagal na umanong hinihingi ng mga mamamayan ang kapayapaang ang sandiga'y katarungan.
Nanawagan ang grupo sa mga mamamayan na suportahan ang pagpapatuloy ng peace talks. Sa inagurasyon ni Pangulong Duterte sa Huwebes, huling araw ng Hunyo, libu-libong mga mamamayan ang magmamartsa sa Maynila upang suportahan ang peace talks, pagpapalaya sa mga bilanggong politikal at ang pagpapatunay sa People's Agenda for Nationalist and Progressive Change.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |