Sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Uzbekistan, bumisita kahapon, Martes, ika-21 ng Hunyo 2016, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Bukhara, sinaunang lunsod sa gitnang-timog ng Uzbekistan na tinatawag na "living fossil ng Silk Road."
Kasama ni Punong Ministro Shavkat Mirziyoyev ng Uzbekistan, nagkaroon sina Pangulong Xi at First Lady Peng Liyuan, ng detalyadong bisita sa Bukhara, para malaman ang kasaysayan at kasalukuyang kalagayan ng lunsod na ito.
Sinabi ni Xi, na sa pamamagitan ng pagbisitang ito, nangingibabaw ang malalimang pag-uugnayan ng Tsina at Uzbekistan noong sinaunang panahon. Ito aniya ay makakabuti sa pagpapalakas ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at magkasamang pagpapasulong ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road o "Belt and Road" Initiative.