Nagtagpo ngayong araw, Huwebes, ika-23 ng Hunyo 2016, sa Tashkent, Uzbekistan, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Tsakhya Elbegdorg ng Mongolia.
Tinukoy ni Xi, na dapat ibayo pang pataasin ang lebel ng relasyon ng Tsina at Mongolia, at pasulungin ang kalakalan ng dalawang bansa.
Positibo naman si Elbegdorg sa pag-unlad ng komprehensibo at estratehikong partnership ng Mongolia at Tsina. Ipinahayag din niya ang kahandaang palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan.
Salin: Liu Kai