Sinabi ngayong araw, Huwebes, ika-23 ng Hunyo 2016, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pananalita kamakailan ng embahador ng Rusya sa Tsina ay nagpapakita ng nukleo ng isyu ng South China Sea.
Sinabi kamakailan ng embahador ng Rusya sa Tsina, na ang kasalukuyang tensyon sa South China Sea ay sanhi ng pakikialam ng iilang bansa sa labas ng rehiyon.
Ipinahayag ni Hua ang pagsang-ayon sa pananalitang ito. Aniya, dahil sa sariling interes, nakikialam sa isyu ng South China Sea ang iilang bansa sa labas ng rehiyon. Sinusulsulan din aniya nila ang kontradiksyon sa pagitan ng mga bansa, nililikha ang tensyon sa naturang karagatan, at pinasusulong ang militarisasyon. Dagdag pa ni Hua, hinihimok ng Tsina ang naturang iilang bansa, na igalang ang pagsisikap ng mga bansa sa rehiyong ito para sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea, at patingkarin ang konstrutibong papel para rito.
Salin: Liu Kai