Isinalaysay kamakailan ni Andrei Denisov, Embahador ng Rusya sa Tsina, na sa gagawing dalaw-pang-estado ni Pangulong Vladimir Putin sa Tsina, tatalakayin niya at Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang mga isyu ng dalawang bansa sa aspekto ng pulitika, kabuhayan, kultura, at iba pa, at mararating nila ang mahalagang desisyon hinggil sa plano ng pagpapaunlad ng relasyong Sino-Ruso sa hinaharap.
Isiniwalat din ni Denisov, na bilang bunga ng naturang pagdalaw, nakatakdang lagdaan ng Tsina at Rusya ang halos 30 dokumento, sa pagitan ng mga pamahalaan, kompanya, at organisasyong panlipunan. Ang mga ito aniya ay magbubukas ng bagong prospek para sa kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang aspekto.
Salin: Liu Kai