|
||||||||
|
||
Sinabi ni Gao, na nitong 15 taong nakalipas, binuo ng SCO ang sariling mekanismo, itinakda ang direksyon ng kooperasyon, at aktibo nitong pinaninindigan ang hinggil sa bukas at inklusibong relasyon ng mga bansa, na may kooperasyon at win-win result.
Ipinalalagay din niyang, ang Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road o "Belt and Road" Initiative ay magiging pokus ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng SCO sa hinaharap. Inaasahan aniyang palalakasin ng mga kasaping bansa ng SCO ang kooperasyon sa apat na aspekto, na gaya ng pagpapataas ng lebel ng pasilitasyong pangkalakalan, pagpapasulong sa konektibidad, pagbabago ng paraan ng kooperasyon sa produktibong kapasidad, at pagbuo ng multilateral na sistema ng pamumuhunan.
Dagdag pa ni Gao, ang idinaraos na Tashkent Summit ng SCO ay gagawa ng bagong blueprint ng pag-unlad ng organisasyong ito sa hinaharap, para ibayo pang pasulungin ang rehiyonal na kooperasyong pangkabuhayan, at ihatid ang benepisyo sa mga mamamayan ng iba't ibang kasaping bansa nito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |