|
||||||||
|
||
Idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-24 ng Hunyo 2016, sa Tashkent, Uzbekistan, ang Ika-16 na Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).
Sa kanyang talumpati sa pulong, binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat buong tatag na sundin ang mga saligang layon at prinsipyo ng SCO, igiit ang direksyon ng pag-unlad, at pleksibleng isaayos ang estratehiya ng kooperasyon sa iba't ibang aspekto. Ito aniya ay para panatilihin ang sigla ng organisasyong ito.
Positibo si Xi sa pag-unlad ng SCO nitong 15 taong nakalipas, sapul nang itatag ito. Iniharap din niya ang 5 mungkahi hinggil sa pag-unlad ng organisasyong ito sa hinaharap.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |