|
||||||||
|
||
Ayon sa mga balitang lumabas sa iba't ibang pahayagan, himpilan ng telebisyon at radyo, pinalaya si Bb. Flor kagabi subalit ibinigay lamang kay Sulu Governor Sakur Tan II kaninang umaga. Isang tubong Bukidnon si Flor at katipan ng pinugutang Canadian national na si Robert Hall.
Magugunitang isa pang Canadian, si John Ridsdel ang pinugutan noong nakalipas na Abril.
FILIPINA, PINALAYA ANG ABU SAYYAF. Ligtas na si Marites Flor sa anumang kapahamakan matapos palayain ng Abu Sayyaf Group ang biktima at katipan ni Robert Hall, ang Canadian national na pinugutan kamakailan. Kuha ang larawang ito sa kampo ng mga kawal ng Pilipinas sa Jolo, Sulu. (AFP Southwescom Photo)
Ayon kay Major Filemon Tan, tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command, sumailalim na si Bb. Flor sa medical check-up sa Joint Task Force Sulu.
Wala pang lumalabas na balita hinggil sa kalagayan ni Kjartan Sekkingstad, ang Norwegian national na kasama sa mga dinukot noong Setyembre 2015.
FILIPINA, NAKASAMA NA NI SECRETARY DUREZA. Sinundo ni incoming Presidential Peace Adviser Jesus Dureza si Marites Flor na sinundo niya sa Jolo, Sulu kanina upang dalhin sa Davao City at makausap ni incoming President Duterte. (Jesus Dureza Facebook Photo)
Sa panayam sa mga mamamahayag, sinabi ni Secretary Jess Dureza na pinalaya na nga si Flor at dadalhin siya sa Davao City kay incoming President Rodrigo Duterte. Hindi umano batid ni G. Dureza ang mga kondisyon sa pagpapalaya sa Filipina.
Dumating si G. Dureza sa Zamboanga City at magtutungo sa Jolo upang sunduin si Marites Flor. Isang seven-seater Lear jet ang naghihintay kay Marites sa Jolo Airport, dagdag pa ni G. Dureza.
DUMATING NA SA DAVAO CITY SI MARITES FLOR. Kasamang naglalakad ni Secretary Jess Dureza si Marites Flor na sinundo niya sa Jolo, Sulu kanina. Sa mga oras na ito tinatayang nagka-usap na sina Bb. Flor at incoming President Duterte. (Jesus Dureza Facebook Photo)
Halos mag-iikalawa ng hapon ng dumating si Marites Flor sa Davao City. Ito ang natanggap na balita mula kay incoming Peace Adviser Dureza. Inaayos pa ang pagpapalaya sa Norwegian national.
Dinala si Bb. Flor sa Camp Leonor sa Davao City upang makausap ni incoming President Rodrigo Duterte.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |