|
||||||||
|
||
PAWANG mga Indones ang dinukot ng mga armadong pinaniniwalaang mga Abu Sayyaf samantalang pabalik na sa kanilang bansa samantalang sakay sa tugboat na may pangalang Charles 00 na may 13 tauhan.
Sakay umano ng dalawang bangkang de motor at pinaputukan ang mga Indones at puwersahang isinama ang pitong tauhan.
Tumakas ang mga armado dala ang kanilang mga biktima patungo sa karagatan ng Tawi-Tawi. Ayon sa ulat, ang kapitan ng tugboat Charless 00 ay tumawag na sa kanyang maybahay at nagsabing sila'y mga biktima ng kidnapping. Humihingi ang mga armado ng 20 milyong Ringgit.
Kinilala ang mga biktima sa mga pangalang Ferry Arifin, Ismail, Edi Soryono, Muh Mahibrur Dahri, Muhammad Nasir, Muhammad Sofyan at isang Robin Piter.
Noong ika-sampu at kalahati ng gabi kamakalawa, nabalita na ang mga dumukot ay angmga magkakapatid na Nickson, Brown at Badung Muktadil at isa pang nagngangalang Dadis.
Dumating umano ang grupo sa Barangay Lagasan, Parang, Sulu kahapon ng madaling araw sakay ng dalawang Jungkong type na bangkang may outboard motor na may lakas ana 75 horsepower at isang bangkang de motor na may 16 horsepower engine.
Ang mga biktima ay na sa pangangalaga ng Abu Sayyaf Group sub leader na nagngangalang Majal Adhja alias Apo Mike.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |