Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangangailangan ng long-term development plan binanggit

(GMT+08:00) 2016-06-28 18:20:58       CRI

SINABI ni outgoing Socioeconomic Planning Secretary Emmanuel F. Esguerra na kailangan ang pagkakaroon ng long-term development plan upang matiyak ang pagkakaroon ng mga palatuntunang maipatutupad ayon sa pangangailangan ng bansa at mamamayan.

Sa isang briefing na itinaguyod ng National Economic and Development Authority at Economic Journalists Association of the Philippines sa Crowne Plaza Hotel sa Quezon City, sinabi ni Secretary Esguerra na ginawa nila ang Ambisyon 2040 ayon sa nagkakaisang mithi ng may 10,000 mga Filipino na lumahok sa pag-aaral.

Nagkaroon din ng 42 focused groups discussions at nabatid na karamihan ng mga Filipino ang nagnanais magkaroon ng matatag, maginhawa at panatag na buhay para sa lahat. Ang mga layunin ng karamihan ng mga mamamayan ay hindi lamang pang-sarili kungdi para sa pamilya at bansa. Marami ang naghahangan na magkaroon ng maayos na buhay ng walang anumang kahirapan.

Kabilang dito ang pagkakaroon ng sapat na kita at makapagpatapos ng mga supling sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo. Karamihan ng mga nakapanayam ang nagsabing sasapat na ang pinagsamang kita ng pamilya na may apat katao sa halagang P 120,000 bawat buwan, ayon sa halaga ng bilihin noong 2015.

Ipinaliwanag ni Secretary Esguerra na ang kinalabasan ng pag-aaral ay hindi reseta para sa republika kungdi para magkaroon ng maliwanag na kaalaman ang sinumang maluluklok sa pamahalaan. Mayroong matatag na kita kung may maayos na sahod, sapat na benepisyo at magandang incentives.

Sa larangan ng tahanan, marami ang nagsabi, 73% na nais magkaroon ng maliit na tahanan sa malaking lote. May 14% naman ang nagsabing gusto nila ng malaking tahanana kahit sa maliit na lote.

Karamihan ng mga tumugon sa pag-aaral ang nagsabing mas nais nilang manirahan sa Pilipinas kaysa magtrabaho sa ibang bansa.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>