|
||||||||
|
||
TINIYAK ni incoming Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano sa mga magsasaka na magiging maganda ang magiging desisyon ng kanyang tanggapan sa mga susunod na araw.
Sa isang pulong na dinaluhan ng may 130 mga magsasaka at mga taong sumusuporta sa repormang agraryo mula sa iba't ibang lalawigan, sinabi ni G. Mariano na lahat ng magiging desisyon ng DAR ay papabor sa mga magsasaka.
Ito ang buod ng kanyang pahayag sa isang pulong sa repormang agraryo sa Claretian Seminary sa Quezon City.
Iba't ibang isyu ang ipinarating ng mga dumalo. Kailangan umanong maging matatag ang mga magsasaka sa pag-iingat sa kanilang mga nakamtang lupain kahit pa may mga humahadlang sa kanilang mga layunin.
Mahalaga ang pamumusisyon ng mga magsasaka sa kanilang mga lupaing binubungkal, dagdag pa ni G. Mariano.
Dadalaw din siya sa mga lalawigan tulad ng Negros Occidental, Negros Oriental, Leyte, Isabela, Iloilo, Sultan Kudarat at maging South Cotabato. Magpapatuloy ang mga aktibidad ayon sa Section 30 ng Republic Act 9700 na kilala sa pangalang CARPER.
Nagsimula ang pulong kahapon na kinatampukan nina incoming Senator Risa Hontiveros at Congressman Tom Villarin ng AKBAYAN.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |