|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat ng Thai media, ipinahayag Lunes, ika-27 ng Hunyo, 2016, ni Punong Ministro Prayut Chan-ocha ng Thailand na hindi siya magbibitiw sa tungkulin, kahit hindi aprobahan ang bagong panukalang konstitusyon sa gaganaping reperendum sa ika-7 ng Agosto.
Ibayo pang ipinaliwanag ni Prawit Wongsuwan, Pangalawang Punong Ministro ng bansa, na Constitutional Drafting Committee, sa halip ng pamahalaan, ang siyang namamahala sa pagtatakda at reperendum ng bagong konstitusyon ng Thailand.
Ipinahayag naman ni Wissanu Kreanam, isa pang Pangalawang Punong Ministro ng Thailand, na kung magaganap ang kaguluhan sa panahon ng reperendum, maaaring gamitin ni Prayut Chan-ocha ang ika-44 artikulo ng pansamantalang konstitusyon, para mapuksa ang kaguluhan. Itinakda ng nasabing artikulo na maaaring gamitin ng punong ministro ang anumang aksyon, para makontrol ang anumang kilos na nakakapinsala sa harmonya ng bansa.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |