|
||||||||
|
||
ISANG grupo ng mga abogado ang umaasang magtatapos na ang panahon ng impunity o kawalan ng kaparusahan sa mga nagkakasala. Umaasa rin ang mga abogado na igagalang ng administrasyon ang karapatan ng mga mamamayan at makakamtan ng taongbayan ang paglilingkod ng justice system.
Sinabi ni Atty. Edre Olalia, secretary-general ng National Union of People's Lawyers (NUPL) na nais nilang igalang ng pamahalaan ang individual at collective rights ng mga mamamayan.
Ayon sa abogado, umaasa silang mawawalang ng trabaho sa pagliligtas ng mga biktima ng kawalan ng paggalang sa karapatang pangtao at gugugol ng panahon sa pagpapayabong ng mga karapatan at mag-aayos ng mga problemang nararanasan ng lipunan.
Nanawagan na ang iba't ibang human rights groups sa pamahalaang palayain na ang mga bilanggong politikal. Sinabi ng grupong Karapatan na noong Marso ng taong ito, mayroong 543 political prisoners na nahaharap sa iba't ibang usapin. Labing-walo sa kanila ang peace consultants ng National Democratic Front of the Philippines na mayroong safety and immunity guarantees ayon sa kasunduan ng NDF at ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Mayroon ding 88 maysakit at 48 may edad na political prisoners na karamiha'y mga magsasaka na nakipaglaban para sa kanilang karapatang magbungkal ng mga lupain.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |