|
||||||||
|
||
Pero, mayroong tatlong malaking problema ang arbitrasyong ito na makakapinsala sa katarungan ng pandaigdigang batas, at kaayusan at katatagan ng rehiyong ito.
Una, ang arbitrasyon ay nagbabanta sa pundasyon ng kaayusan ng regulasyon at pambatas sa SCS.
Ang Declaration on the Conduct of the Parties in the South China Sea (DOC) ay pundasyon ng kaayusan ng batas at regulasyon. Itinakda ng DOC na ang mga hidwaan ay dapat lutasin ng mga direktang kasangkot na bansa sa pamamagitan ng talastasan. Itinakda rin ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na ang mekanismo ng paglutas sa mga hidwaan ay dapat magbigay-galang sa pambansang soberanya, ang paglutas sa lahat ng mga hidwaan ay dapat gumamit muna ng mayaparang paraan na sariling pinili ng mga kasangkot na bansa. Ibig-sabihin, ang DOC ay dapat igalang at gamitin muna sa paglutas ng mga hidwaan sa SCS.
Kaya, ang pagtanggap at paglitis ng Arbitral Tribunal sa arbitrasyon na iniharap ng Pilipinas ay pagmamalabis sa kapangyarihan.
Ikalawa, ang Arbitral Tribunal ay nakapinsala sa lehitimong karapatan ng mga signataryong bansa ng UNCLOS.
Sa pananaw ng batas, kinikilala ng iba't ibang panig ang dalawang sumusunod na katotohanan: una, walang anumang hurisdiksyon ang Arbitral Tribunal sa mga isyung may kinalaman sa soberanya, ikalawa, legal at mabisa ang pahayag ng Tsina sa di-pagtanggap at di-paglahok sa anumang arbitrasyon batay sa ika-298 article ng UNCLOS.
Pero ang Arbitral Tribunal ay nagbulag-bulagan sa katotohanang ang arbitrasyong ito ay may kinalaman sa soberanya, teritoryo, at demarksyon sa hanggahang pandagat. Ito ay nakapinsala sa karapatan ng mga signataryong bansa ng UNCLOS sa nagsasariling pagpili ng paraang paglutas sa hidwaan.
Ikatlo, ang resulta ng arbitrasyon ay hindi makakabuti sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon ng SCS.
Sapul nang iharap ng Pilipinas ang arbitrasyon, naki-alam ang mga bansa sa labas ng rehiyon ng SCS sa isyung ito, maging maigting ang tensyon sa rehiyong ito at lumala ang hidwaan ng mga bansa sa paligid ng SCS.
Kaya ang arbitrasyon ay nakapinsala sa mapayapang paraan sa paglutas ng mga hidwaan sa rehiyong ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |