Isiniwalat ngayong araw, Biyernes, Hulyo Uno 2016, ni Susi Pudjiastuti, Ministro ng Dagat at Pangingisda ng Indonesya, na sa buwang ito, magwawasak pa sila ng 30 dayuhang bapor na sangkot ng ilegal na pangingisda sa karagatan ng Indonesya.
Ayon kay Pudjiastuti, ang naturang 30 bapor ay, pangunahin na, galing sa Biyetnam, Pilipinas, at Malaysia.
Sinabi rin niyang hanggang sa kasalukuyan, winasak na ng Indonesya ang 176 na dayuhang bapor na sangkot ng ilegal na pangingisda. Aniya, ang malaking bilang na ito ay nagpapakita ng seryosong hakbangin ng Indonesya sa paglaban sa ilegal na pangingisda.
Salin: Liu Kai