Pagkaraang suriin ang kalagayan ng pagpapatupad ng Global Counter-Terrorism Strategy ng United Nations (UN), pinagtibay kahapon, Biyernes, Hulyo Uno 2016, ng Pangkalahatang Asembleya ng UN (UNGA), ang resolusyon, bilang pananawagan sa komunidad ng daigdig na palakasin ang koordinasyon at kooperasyon sa paglaban sa terorismo.
Sa naturang resolusyon, nanawagan ang UNGA sa iba't ibang bansa, UN, at mga may kinalamang organisasyon, na komprehensibo at balanseng ipatupad ang Global Counter-Terrorism Strategy na pinagtibay ng UN noong 2006, at isaayos din ang estratehiyang ito, batay sa bagong tunguhin ng pandaigdig na terorismo.
Sinabi rin ng UNGA, na ang Islamic State, Al-Qaeda, at mga iba pang organisasyong teroristiko at ekstrimisko ay nagdudulot ng malaking hamon sa paglaban ng komunidad ng daigdig sa terorismo. Dapat anitong palakasin ng iba't ibang bansa ang kooperasyon sa paglaban sa terorismo.
Salin: Liu Kai