|
||||||||
|
||
Si Wu Haitao
Sa kanyang talumpati sa pulong na idinaos kahapon, Biyernes, Hulyo Uno 2016, ng Pangkalahatang Asembleya ng United Nations, hinggil sa pagsusuri sa kalagayan ng pagpapatupad ng Global Counter-Terrorism Strategy, sinabi ni Wu Haitao, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na sa harap ng bagong kalagayan at bagong tunguhin ng terorismo, kinakailangan ng komunidad ng daigdig ang komprehensibong hakbangin at aksyon.
Sinabi ni Wu, na dapat magkaroon ang komunidad ng daigdig ng nagkakaisang pamantayan ng paglaban sa terorismo. Aniya, dapat buong tatag na labanan ang lahat ng mga teroristikong aktibidad, kahit anumang pangangatwiran ito, anumang bansa ang target, at anumang paraan ang isinagawa.
Dagdag ni Wu, dapat lubos na patingkarin ang namumunong papel ng UN at UN Security Council sa mga pandaigdig na aksyon laban sa terorismo. Dapat din aniyang sundin ang layon at prinsipyo ng UN Charter.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |