Ipinahayag kagabi, Hulyo 2, 2016, ni Recep Tayyip Erdoğan, Pangulo ng Turkey, na ayon sa imbestigasyon ng panig pulisya, ang Islamic State (IS) ang responsible sa insidente ng pag-atake sa Istanbul-Ataturk International Airport at naaresto na ang halos 20 miyembro ng IS na may kinalaman sa insidenteng ito.
Nang araw ring iyon, bumisita siya sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog para sa makiramay sa mga biktima ng naturang insidente. Sinabi niyang banyaga ang karamihan sa nasabing mga naarestong miyebro ng IS.
Noong gabi ng ika-28 ng Hunyo, naganap ang teroristikong pag-atake sa Istanbul-Ataturk International Airport na nagresulta sa pagkasawi ng di-kukulangin sa 43 katao at pagkasugat sa ilampung iba pa.