|
||||||||
|
||
NANINIWALA si Dr. Rommel Banlaoi na hindi ligtas ang Pilipinas sa mga terorista sapagkat nagagamit ng mga masasamang-loob o mga terorista ang social media.
Sa Tapatan sa Aristocrat, sinabi ni Dr. Banlaoi, isang dalubhasa sa terorismo, mayroong isang Filipino na lumahok na sa ISIS. Magaling umanong mag-Ingles, mag-Pilipino at magsalita ng Arabo ang lumahok sa grupo.
PILIPINAS, HINDI LIGTAS SA TERORISMO. Sinabi ni Dr. Rommel Banlaoi (pangalawa mula sa kaliwa) ng Miriam College na may isang Filipinong nakapasok na sa ISIS sa Syria. Kailangan ang ibayong pag-iingat at pagkilos upang mahadlangan ang anumang panganib na maidudulot ng mga terorista, dagdag pa ni Dr. Banlaoi. Na sa kanyang kaliwa si dating Ambassador Alberto A. Encomienda, dating opisyal ng Department of Foreign Affairs. (A. Dalan)
May mga panawagan umano sa social media na kung hindi makararating sa gitnang Silangan ay maaari nang gumawa ng terorismo sa kapitolyo ng kanilang mga sariling bansa.
Samantala, sinabi rin ni Dr. Banlaoi na kaya hindi umunlad ang Armed Forces of the Philippines ay sapagkat nakatuon ang mga mambabatas sa internal security sapagkat nangangamba sila sa mga pananalakay ng mga guerilyang mula sa New People's Army sa kanilang mga hacienda.
Ito umano ang dahilan kaya't ang salapi ay naibigay sa Philippine Army at hindi sa Philippine Air Force at Philippine Navy at maging sa Philippine Coast Guard.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |