Ayon sa estadistikang ipinalabas kamakailan ng Kagawaran ng Turismo (DoT) ng Pilipinas, mula Enero hanggang Mayo ng taong ito, lumaki ng 81% ang bilang ng mga turistang Tsino na naglakbay sa Pilipinas. Ang paglaking ito ay pinakamabilis sa lahat ng mga bansa.
Ayon pa rin sa estadistika, noong unang 5 buwan ng taong ito, 285 libong turistang Tsino ang naglakbay sa Pilipinas. Ang bilang na ito ay sumunod sa 378 libong turistang Amerikano, at 576 na libong turistang Timog Koreano.
Ipinahayag ng DoT, na ang naturang mabilis na paglaki ay nagpapakitang bumabangon ang pamamasyal ng mga turistang Tsino sa Pilipinas.
Salin: Liu Kai